Kung isa kang Christian, alam mo ba kung paano kumilos si Satanas?

Kung paano nilinlang ni Satanas sina Eva at Adan, ganoon din ang ginagawa niya sa henerasyong ito; hindi siya nagbabago.

May Vlog sa youtube na sinasabing (Sinasabi daw ng ibang hostorian na nangopya lamang ang Kwento ni Noah sa kwento ng great flood sa Gilgamesh) at may nauna pa daw tao kay Adan at Eve at dahil dito ay nagawa ko ito.

Mgadududa ka rin sa sinasabi ng mundito ito dahil taliwas ito sa sinasabi ng 66 books of the Bible. Yung Gilgamesh ay isang myth lamang at hindi totoo. Paanong paniniwalaan natin ang Gilgamesh eh hindi na nga marecover ang ibang writings? Isa pa, ang Diyos sa kanila ay si Anu, isang Diyos na nakikita, iba sa Diyos na Espiritu na Siyang naglikha ng lahat ng Bagay. Ang Gilgamesh ay isang sulat lamang ng kaisipan ng mga tao bakit? Tingnan ninyo ito,

Bakit halos lahat ng relihion, mythology at language ng mga tao ay magkakapare-pareho halos? Marahil may isang lugar silang pinaggalingan na masasabi nating familiar sila sa isa't-isa, ito ay ang Towel of Babel.

After ng Baha, Si Noah noon ay may 3 anak na lalaki, Shem, Ham at si Japhet.

Si Ham ay ang isinumpang henerasyon. Sinumpa ni Noah ang lahi ng kanyang anak na si Ham dahil sa ginawa nito sa kanya noong siya ay lasing.

Anak hi Ham - cush - Nimrod-ang kilalang mananangol noong naging wild ang mga hayop after the great flood.

Si Nimrod ang nagtayo ng cities; cities of Babel, Erech, Akkad(Sumer), and perhaps Calneh, in Shinar. SI Nimrod ang haring laban sa Diyos. Nagkaisa ang mga tao noong panahon na iyon dahil iisa lamang ang kanilang mga lingwahe at pinangunahan sila ni Nimnrod na magtayo ng toreng aabot sa langit na inaakala din nilang hindi sila mapupuksa ng baha. Ngunit ginulo ng Diyos ang kanilang mga salita at nagsama-sama ang magkakapareho ng lingwahe at nagkawatak-watak sila sa buong daigdig, hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming mga linguwahe ang halos related sa isa't-isa maging sa mga mythology nila. Maramil nagmula sila sa Tower of Babel, kaso, hindi nga lang natuloy at saka malamang kung hindi dahil sa mga propetang Diyos, hindi ito naisulat sa Bibliya. Pero taliwas naman ang sinasabi ng mundong ito na ang Sumer daw ang kaunaunahang city or let say may system of writing daw at dahil diyan ay naiiba na ang kwento ng kasaysayan ng taoat mundo.

Sino ngayon ang nagongopya, ang genesis o ang gilgamesh?

Ito pa, kung totoong may nauna pa kay Eva at Adan, di sana ay sinuportahan ito ng ibang books sa Bible diba?

At ito pa, yung sinasabi nilang book of enoch? kung susuriin mo parang totoo at mapapaniwala ka dahil talagang mga ginagawa ng mga salamangkero, maghuhula, magtatawas, mambabarang at mangkukulam ang mga nabanggit doon maging ang mga anting-anting o engkantasyon, pero tingnann ninyo lagi sa bandang hulihan o sa may gitna, naiiba ang ang istorya sapat lamang na masasabi mong ibang-iba sa sinsabi ng Bibliya lalo na pagdating sa mga anghel at tungkol sa kalooban ng Diyos.

Pilit iniiba ni satanas ang kwento kagaya ng ginawa niya sa genesis chapter 3:1-6 upang magdulot ng kalituhan sa mga tao at para magduda tayo sa sinasabi ng Biliya at higit sa lahat ay sa Diyos. Hindi magbabago si satanas at paulit-ulit niya itong gagawin sa buong sangkatauhan habang paubos na ng paubos angkanyang panahon. Be careful mga kapatid at kapwa ko, masmstalino si satanas kaysa atin kung sa ganang atin lamang.

Naisulat ang Bible para basahin natin at makaiwas o makalaya tayo sa mga maling katuruan ng mundong ito. Kaya hindi dapat nating katamaran o pagsumikapoa nanting basahin para sa ating kapakanan una salahat dahil, hindi maaakay ng bulag ang kapwa bulag. Kaya dapat alam natin ang salita ng Diyos para maibahagi natin ito sa ibang nangangailangan.

Kung may epsiritu ka man ng pagdududa sa Salita ng Diyos, isa lang ang payo ko; "humingi ka ng karunungan sa Diyos, lumapit ka at humingi ka sa Kanya ng Guidance in the name of Jesus Christ". Dahil nakay Krito nakasalig ang sekreto ng kaalaman at karunungan ng Diyos at ng Knayang kaharian. Amen.

Manalangin tayo araw-araw at matya-maya kung kinakailangan lalo na kung mayroon ka ngayong pinagdadaanan like me. God is with us. Amen. God bless po and Jesus love us all!  

#bigkis
#bikispasikatin
#iamafollowerofchrist
#iamachristian

 

 


Dennis Caballero

2 Blog posts

Comments
Joemari Solmeron 1 y

Amen Po