Bigkis sa Buhay OFW

May magagawa ba ang BIGKIS sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers?

Sabik na sabik ka na bang makita ang iyong mga mahal sa buhay sa Pinas? Marahil ay isa ka sa 2.3 milyong bagong bayani ng Pilipinas na walang pagod na nagsisikap upang itaguyod ang ating bansa. Huwag ka ng malungkot at nandito na ang Bigkis upang umalalay sa inyo at sa inyong pamilya.

Ang Bigkis ay isang bagong social media platform na nilikha ng Pilipino para sa mga Pilipino. Pinapadali nito ang pakikipag-ugnayan at pagbabahagi sa ating mga kaibigan at kapamilya online. Isa sa mga layunin nito ay panatilihing konektado lahat ng mga pamilyang Pilipino saanmang lupalop ng mundo.

Dati-rati’y napakahirap ng komunikasyon sa pagitan ng mga OFW at kanilang mga pamilya. Kailangan pang sumulat at maghintay ng napakatagal upang makatanggap ng sagot. Kasing-mahal naman ng balik-bayan box ang laging tumawag sa ibang bansa. Hindi na problema ito ngayon dahil marami ng mga social networking platforms na pwede ninyong gamitin at isa na ang Bigkis dito. Ang kaibahan ng Bigkis sa ibang mga social media sites ay ginawa ito sadyang para sa mga Pinoy. Computer man o mobile device ang gamit mo, maaari mo ng magamit ang iba’t-ibang mga features nito. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-sign-up sa Bigkis.com at i-install ang Bigkis Timeline App at Bigkis Messenger App. Maaari ka nang magpost ng iyong mga video, larawan, opinion, at iba pa. Napakadali na rin ang pag-aadd ng iyong mga mahal sa buhay kaya’t pwede na kayong mag-chat, mag-tawagan, o mag-video call kahit kailan.

Sadyang mahirap ang mapalayo sa pamilya lalong-lalo na kapag maliliit pa ang inyong mga anak. Siguro’y nanghinayang kayong umalis ng Pilipinas dahil hindi ninyo masusubaybayan ang kanilang paglaki. Huwag na kayong mangamba pa at tutulungan kayo ng Bigkis na panatilihin ang inyong presensiya sa kanilang paglaki. Gamit ang Bigkis, pwede na ninyong ichat, tawagan, at i-video call ang inyong mga kapamilya. Maaari na kayong makipagkwentuhan, tumulong sa paggawa ng assignment ng iyong mga anak, at makita kung gaano sila gumaganda at gumaguwapo habang lumilipas ang panahon. Makakasama din kayo sa kanilang mga kaarawan o graduation dahil pwede silang mag-live stream. Magiging updated ka din sa lahat ng ipopost nila.

Sa pamamagitan naman ng Bigkis Blogs, hinding-hindi kayo mahuhuli sa mga kaganapan sa Pinas, mapapulitika, ekonomiya, o kahit usapang Showbiz pa. Maipapaalam din ninyo ang inyong kalagayan lalong-lalo na’t kasagsagan ng pandemya ngayon sa buong mundo. Madali na ring ipakita ang mga kuha mong litrato ng mga tanawin sa ibang bansa. Isang click mo lang ay makikita ng lahat ang post mo. Maaari mo ding mas pagandahin ang mga larawan mo dahil may mga stickers at filters ang Bigkis para sa’yo.

Kung gusto ninyong iinvest ang inyong ipon, maaari kayong mag-manage ng online business gamit ang Bigkis. Hindi problema ang pakikipag-usap sa mga empleyado dahil may feature ang Bigkis upang mapabilis at mapadali ang pagmamanage ng mga groups, communities, at pages. 

Marami ng nakasubok ng Bigkis at pinupuri nila ito dahil napakadali nitong gamitin. Punong-puno ito ng mga bagong features na nakakatuwa at malaking tulong lalong-lalo na sa mga OFW.

Tunay ngang isang sakripisyo ang maging isang OFW kaya’t napakahalagang instrumento ang social media. Gusto niyo rin bang ibahagi ang inyong makabayang kuwento sa mundo? Andito ang Bigkis na sumasaludo at handing magbigay serbisyo sa inyo! 


Chels

2 Blog posts

Comments